Monday, November 24, 2008

Diether Ocampo...certified Kapuso na!

Showbiz Chizmiz
by Beth Herrera


Diether Ocampo...certified Kapuso na!

“Let Diether make his own announcements soon.”

Ito ang naging pahayag ng GMA7 big boss, Ms. Wilma Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment TV, sa text niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) November 19, ng tanungin siya hinggil sa paglipat ni Mr. Ocampo sa bakuran nila.

Unang lumabas ang balita sa column ni manay Ricky Lo ng Philippine STAR na nag-jumped ober da bakod nga raw si Diet from ABS-CBN to GMA-7. Ayon pa sa kanyang balita, pumirma ng maximum 4-year contract (opo sagad pati pato) si Diether sa GMA7 noong gabi ng lunes, November 17, 2008. Unang magiging project ni Diether daw sa Kapuso channel ay ang adaptation ng hit Koreanovela “All About Eve”, kasama si Sunshine Dizon, Iza Calzado, dating kapamilyang si Eula Valdez, Jean Garcia at Richard Gomez.

Nagpaalam naman daw ang Star Circle Batch 2 Member Diether Ocampo sa mga Bigwig ng ABS-CBN. Magkikita-kita na sila ng mga dating kapamilya turned kapuso na sila Paolo Contis, Camille Prats, Jolina Magdangal, Marvin Agustin at ang bagong lipat na si Heart Evangelista.

Ang last project ni Diet sa ABS-CBN ang primetime soap Iisa Pa Lamang, kung saan isa siya sa naging leading man ni Claudine Barretto, kasama ang ilang malalaki ring pangalan sa bakod ng ABS-CBN tulad ni Gabby Concepcion, Susan Roces, Joel Torre, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache at Jestoni Alarcon.

Matatandaan na nag-umpisa si Diether sa ABS-CBN bilang member ng Star Circle Batch 2. Kabilang siya sa Star Magic, ang Kapamilya network’s talent arm na pinamumunuan ni Mr. Johnny Manahan. Sa katunayan, kasama siya sa cover ng 2009 Catalogue of Star Magic.

Isa si Diether na maituturing na "bankable star" ABS-CBN, kaya ang kanyang paglipat ay isang malaking palaisipan sa kanyang mga tagahanga. Mayroon kayang kinalaman dito ang kanyang nakahiwalay na ex-wife/girlfriend Kristine Hermosa?

Ano ang nagtulak sa kanya para lumipat sa kabilang estasyon na alam naman ng lahat ay mabigat na karibal ng kanyang nakalakihang tahanan na ABS-CBN? Matapos ang 13 taon na pamamalagi niya sa nakamulatang tahanan, bigla na lang siyang lumipat sa GMA-7? Abangan ang mga susunod na kabanata....babu!!!

No comments: