Monday, November 24, 2008

Kristine Hermosa and Jericho Rosales..... together again!!!

Showbiz Chizmiz
by Beth Herrera


Kristine Hermosa and Jericho Rosales..... together again!!!


Yes!!trulili....“It’s official…Jericho Rosales & Kristine Hermosa will be featured once again in a special episode of Maalaala Mo Kaya. Kung matatandaan, isa ang loveteam nila sa naging super popular loveteam ng ABS-CBN ng magtambal sila sa Pangako Sayo na nasundan pa ng mga maraming projects tulad ng Forevermore, Ngayong Nandito Ka at ang huling project na pinagsamahan nila na Sanay Wala Nang Wakas.

Aware ang ABS-CBN na up to now marami pa ring mga fans ng dalawa ang umaasa na magbabalik tambalan sila. Ang mga ito'y walang sawang umasa at patuloy na tumatangkilik sa kanilang tambalan kahit sila'y may kanya-kanyang mga tambalan at karelasyon sa isa't-isa.

Maaalalang nabalita na ang tungkol sa pagsasama ng ex-couple sa isang soap ng ABS-CBN. But that time, hindi pa masyadong solved pareho sina Jericho at Kristine. Dahil hindi masyadong interesado sa planong pagsamahin sila si Echo na noon ay lokong loko kay Heart at si babae naman na super ayaw sa pagpayag dahil super selos naman kay Kristine.

Hindi nakapagtataka na sa tambalan nilang ito ay may darating pang mga movie at teleserye ang posibleng niluluto ngayon ng ABS-CBN para sa kanila.

Natatandaang first bf ni Kristine si Jericho so hindi malayong mahaluan ng mga intriga ang pagsasama nila. Ng tanungin si Echo about it, he assured the public that the tandem will be just for reel, purely professional at purely work lang daw.

Nagtaping na ang dalawa sa Laguna sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Behind the Scenes taping:
Photos courtesy of Araxian.





No comments: