Monday, November 3, 2008

Bahay ni Wowowee Willie Revillame ninakawan

Showbiz Chizmiz
by Beth Herrera


Bahay ni Wowowee Willie Revillame ninakawan


Ninakawan ang host ng Wowowee na si Willie Revillame sa kanyang bahay sa exclusive subdivision na Cortinhian Hills sa Quezon City. Umuwi si Willie Sa Cabanatuan nu'ng November 1 upang dalawin ang puntod ng kanyang namayapang ama sa Cabanatuan kasama ang nababalitang girlfriend niya ngayon na si Nadine Ignacio kasama ang kapatid nito. Matapos ay dumiretso sila sa Subic at doon nagpalipas ng Sabado at Linggo,. Kaninang alas-tres ng madaling araw bumalik ng Manila si Willie at nadiskubre ang mga pangyayari. Laking gulat na lang nito nu'ng malaman niya na pinasok na pala ng mga magnanakaw ang kanyang bahay.

Marami ang naghihinala na baka isa itong inside job mula sa isa o mahigit pa na kasama sa mga magnanakaw na kilala rin ng personal ni Willie o kaya isa sa mga tauhan niya. Ganyun kilalang kilala ang naturang subdivision na isa sa mga pinakamahigpit ang seguridad.
Mga kilalang personalidad ang mga nakatira sa naturang subdivision, isa na rito ay kung saan kahanay pa ni Willie on the same street ang bahay, si Senator Jinggoy Estrada.

Hanggang ngayon ay shock pa rin si Willie sa mga pangyayari. Sa pag-aakalang safe na safe na siya sa kanyang sariling tahanan.
Tila nauntog na ulo niya sa katotohanang pwede siyang patayin at any given time sa kanyang pagtulog sa loob mismo ng kanyang tahanan ang kinagigimbal niya.

Ayaw
nang sabihin ni Willie kukng magkano more or less ang halaga ng mga nawala sa kanya at hindi rin siya makapaniwala na inside job ang nangyari. Ayaw din niyang magbintang. Ang ipinagtataka lang daw ni Willie ay kung bakit alam nu’ng magnanakaw kung saan nakalagay ang duplicate keys ng kanyang mga kotse at pati na ang vault sa loob ng kanyang kwarto. Sa kasalukuyan ay iniimbistigahan ng mga awtoridad ang trusted accountant ni Willie na si Tess Mationg.

Sinikap din ng ABS-CBN.com na kontakin ang personal secretary ni Willie na si Katya,kapatid ni Nadia Montenegro pero wala silang nakuhang sagot.Napag-alaman na tatlong araw na palang hindi kasama ni Willie ang kanyang personal secretary.

Ang masasabi ko lang, nasaan ka man....MAG-INGAT!!

Roxanne, di pa makapag-move on, ang dahilan ng awayan sa Guam

Showbiz Chizmiz
by Beth Herrera


Roxanne, di pa makapag-move on, ang dahilan ng awayan sa Guam

PHOTO: ROXANNE GUINOO


RELATED LINKS:

Behind The Scene Photos of ASAP 2008

Hafa Adai Guam

Tingnan ang mga pangyayari sa ASAP ’08 sa Guam!


Nananatiling tikom ang bibig ni Roxanne sa mga naganap sa Guam. Iwas ang kasagutan sa bawat katanungang na pinupukol sa kanya. Alam naman kasi ni Roxanne Guinoo kung kailan siya magsasalita at kung kailan siya dapat na manahimik magmula nang pasukin niya ang showbiz.

Ayon sa showbizspy, si Bea ay nagulat ng biglaan siyang nilapitan ni Roxanne at may sinabi nga ang huli. Na siya namang lapit ni Jake upang ipagtanggol ang bagong nobya. Hindi nakapagtataka na magkainitan, kung sakali man. Mayroon na rin naman kasing naunang hidwaan noon sina Roxanne at Bea, kung saan ang naging kakampi pa nga ng huli, ang kanyang kaibigang si Shaina Magdayao.

Matapos ang mga tagpong naganap, mayroong mga pasa at sugat sa katawan ngayon si Roxanne. Hindi iyon kayang itago. Napagbibintangan si Jake. Ganito ang sitwasyon ngayon ng intrigang kanilang kinapapalooban. Napakahirap ang sitwasyon, dahil sa tsismis na diumano’y nagwala si Roxanne. Damay sina Bea Alonzo at Jake Cuenca.

At pinuputukan ng mga intriga ngayon ay si Jake, dahil siya daw ang dahilan ng pagkakaroon ng mga pasa at galos ni Roxanne sa katawan na diumano binugbog daw ni Jake ang huli. Mahirap din naman siyang basta husgahan kung totoong pinisikal niyang saktan ang kanyang ex-girlfriend nang diumano’y ayaw nitong tumigil sa kadadaldal kay Bea ng kung anu-ano. Maraming nagalit na fans na nakipag-simpatya kay Roxanne, sa pagbabale-wala ng ABS-CBN at sa proteksyon na binibigay nito kay Jake Cuenca. Hindi na rin naman iyon nakapagtataka, dahil pinapasikat ng Kapamilya network ang young actor. Pero tila nalilimutan nilang artista din nila si Roxanne na siyang nasaktan ng lubusan dito.

Mga Alaga sila ng ABS-CBN, kaya dapat lang na maprotektahan sila ng kanilang mother studio. Namumuhunan ang ABS-CBN sa pagpapasikat ng kanilang mga alagang artista, kaya karapatan nila ang pigilin na lang ang mga bagay na makakasira sa image ng kanilang mga artista. Ang mga pangit na bagay o mga pangyayari, di dapat lumabas sa publiko. Na siya namang nangyayari ngayon dahil tila mga pipi at bulag ang mga kasamahang artista nila sa Guam sa mga pangyayari. Waring may pinagtatakpan at pinoprotektahan. Pero sino o para kanino ang proteksyon na yun?

Ano ba ang pinagsimulan ng gulo? Mahirap ang kasagutan tungkol sa bagay na ‘yan. Ang gagawin na lang ng mother studio nila ay ang pagsasaayos ng bawat kampo kung talagang mayroon ngang gusot na dapat plantsahin, sangkot sina Roxanne Guinoo, Bea Alonzo at Jake Cuenca.

Ayaw pa kasi umamin sina Jake at Bea kung talagang mag-on na sila, kaya nagkaroon ng ganyang gusot. Ang puno’t dulo raw kasi ng mga pangyayaring ito, hindi pa nakakapag-move on si Roxanne sa break-up nila ni Jake.