Monday, November 3, 2008

Bahay ni Wowowee Willie Revillame ninakawan

Showbiz Chizmiz
by Beth Herrera


Bahay ni Wowowee Willie Revillame ninakawan


Ninakawan ang host ng Wowowee na si Willie Revillame sa kanyang bahay sa exclusive subdivision na Cortinhian Hills sa Quezon City. Umuwi si Willie Sa Cabanatuan nu'ng November 1 upang dalawin ang puntod ng kanyang namayapang ama sa Cabanatuan kasama ang nababalitang girlfriend niya ngayon na si Nadine Ignacio kasama ang kapatid nito. Matapos ay dumiretso sila sa Subic at doon nagpalipas ng Sabado at Linggo,. Kaninang alas-tres ng madaling araw bumalik ng Manila si Willie at nadiskubre ang mga pangyayari. Laking gulat na lang nito nu'ng malaman niya na pinasok na pala ng mga magnanakaw ang kanyang bahay.

Marami ang naghihinala na baka isa itong inside job mula sa isa o mahigit pa na kasama sa mga magnanakaw na kilala rin ng personal ni Willie o kaya isa sa mga tauhan niya. Ganyun kilalang kilala ang naturang subdivision na isa sa mga pinakamahigpit ang seguridad.
Mga kilalang personalidad ang mga nakatira sa naturang subdivision, isa na rito ay kung saan kahanay pa ni Willie on the same street ang bahay, si Senator Jinggoy Estrada.

Hanggang ngayon ay shock pa rin si Willie sa mga pangyayari. Sa pag-aakalang safe na safe na siya sa kanyang sariling tahanan.
Tila nauntog na ulo niya sa katotohanang pwede siyang patayin at any given time sa kanyang pagtulog sa loob mismo ng kanyang tahanan ang kinagigimbal niya.

Ayaw
nang sabihin ni Willie kukng magkano more or less ang halaga ng mga nawala sa kanya at hindi rin siya makapaniwala na inside job ang nangyari. Ayaw din niyang magbintang. Ang ipinagtataka lang daw ni Willie ay kung bakit alam nu’ng magnanakaw kung saan nakalagay ang duplicate keys ng kanyang mga kotse at pati na ang vault sa loob ng kanyang kwarto. Sa kasalukuyan ay iniimbistigahan ng mga awtoridad ang trusted accountant ni Willie na si Tess Mationg.

Sinikap din ng ABS-CBN.com na kontakin ang personal secretary ni Willie na si Katya,kapatid ni Nadia Montenegro pero wala silang nakuhang sagot.Napag-alaman na tatlong araw na palang hindi kasama ni Willie ang kanyang personal secretary.

Ang masasabi ko lang, nasaan ka man....MAG-INGAT!!

No comments: