Wednesday, November 12, 2008

Jake Cuenca, nabugbog?!


Jake Cuenca, nabugbog?!

Bagong tsika ni manay Lolit Solis na nabugbog daw si Jake Cuenca noong nakaraang linggo. Betcha by golly wow...what goes around comes around...nakarma na ba si badboy Jake dahil sa pambubugbog daw nito kay Roxanne Guinoo noong nakaraang linggo sa ASAP show nila sa Guam?
Ayon sa mga sinulat ni manay Lolit Solis, galing daw ito sa kanyang very reliable source. May halong pang-alinglangan dahil hindi naman daw ito nabalita man lang sa mga diyaryo at TV.

Ang nakarating na kuwento, sa Pasay raw nangyari ang bugbugan dahil sa babae. Hindi naman daw siguro dahil kay Roxanne Guinoo. Pero grabe raw ang ginawa kay Jake at hindi raw ito nakaganti sa pambubugbog sa kanya. Nagpa-blotter naman daw siguro si Jake kung sakali. Pinsan daw nang nambugbog mismo kay Jake ang nagkuwento. Tingnan na lang natin kung lalabas nga ito at kung sasagutin ito ni Jake.

Source: Pinoy Parazzi

No comments: